Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 30, 2008

Pamamandaw Sa Dalampasigan Ng Ating Pag-ibig

Noon, habang kasama kitang namamandaw

Ng umang na palakaya sa dalahika’y

Bumubulong ang alon sa dalampasigan.

Inulinig mo ang bulong ng alon,

Hinayaan mong hagkan ng gumugulong

Na alon ang aplaya ng ating kahapon,

Pinanood mo ang pagtiyad ng humbak

At mayuming liyad ng indak

Ng along malagaslas ang halakhak

At hinahampas ang naghihintay

At nangangarap na dalampasigang

Pinaglaruan natin ng halugaygay.

Ngayon, bumubulong ang alon at lumuluha

Dahil hindi natin nalambat ang kaniyang talinghaga

Upang makabigkas ng gusto niyang tula.

Bukas, hinhintayin kong muli ang hanging

Magpapagulong sa alon hanggang taklob-silim,

Sa kaniya ko ipakakalong ang aking panimdim

At matagal na naghintay na panaginip,

Hahayaan kong ito’y sumalibsib sa tubig

Upang makita ang naglaho nating pag-ibig.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: