Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 30, 2008

Iba’t Ibang Kulay Na Pag-ibig

Iba’t ibang kulay ang aking pag-ibig.

Ang lungti ang siyang kaparis ng tubig,

Lalo’t may pagkirot sa sugat ng dibdib

Ang pusong nagtimbol sa daloy ng batis.

Wagas at matapat ang bughaw lumiyag,

Sa mithing layunin sinlalim ng dagat;

Parang pagmamahal sa bayang nasadlak

Noong ang panaho’y may asap na ulap.

Ang pula ang dugong bumahid sa punyal

Ng lunging pag-ibig sa pagkakalumbay,

Ito’y hinuhugot na isang kampilang

Sa dibdib na pahak at dilang nautal.

Ang kahel ang tanging may pukyutang hinog,

Laging may luningning sa isang pag-irog;

Parang takipsilim na pulang tagipos–

May ngiting iiwan sa apat na sulok.

31 Hulyo 2008

Department of Foreign Affairs

Roxas Blvd. Pasay City, MM

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: