Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 28, 2008

Sina Bayan, Laya at Bukid (Pasintabi kay ka Lope K. Santos)

Ang bayani ay sa sugat nakikita kung matapang.
Kung ang baya’y nakikita sa panganib ng labanan,
Bayani kang matatawag at mapagtitiwalaan:
Kaya, Tao: hindi lahat ng magsabing makabaya’y
Isa-isang nawawala’t ako’y tinatalikuran.
Samantalang kung oras nang ako’y dapat ipaglaban,
Sa harap ko’y anong daming nagbabaya-bayanihan,
Di iilang manananggol ang sa aki’y umaalay,
Ng maraming mga tao sa sariling kapakanan;
Madalas ding ang ngalan ko’t ang puri ko’y paglaruan
Amang tangi, Inang bugtong, sintang Lupang-tinubuan,
Ngunit akong sa taguri ang makata ay “Diyos” daw,
Kung mabuhay, sama-sama’t kung mamatay, damay-damay.
Sa ligaya’t sa pighati ay iisa ang pandamdam,
Iisa lang ang kalululwa’t iisa rin ang katawan,
Na tauhang nabibigkis ng iisang kapalaran,
Libo-libo, laksa-laksa, yuta-yuta, angaw-angaw
Sa gitna ng sangnilikha, tingnan ninyo’y ako iyan:
May lumaki, may lumiit; mangabuhay, mangamatay…
Buntong-buntong lumaganap sa lawak ng Daigdigan,
Naglumago sa pagtubo, nagsumupling sa pagkapal,
Nang sa lupa ay madikit, magkadiwa’t magkabuhay,
At dinampot ng Panahon at kung saan binitiwan;
Konting putik, konting hangin, kinipil ng Kalikasan,
Ako’y si Bayan

Dapwat sa di bihasa pa’y isang gintong tanikala.
Ang laya ng Tao’t Baya’y kapalara’t ginhawa nga,
Mag-ingat ng kalayaan ay lalong di-birong gawa;
Kaya, Tao: kung mahirap ang umusig ng paglaya,
Kaya dugo at luha rin ang kasama kung mawala.
Sanggol akong kung isilang, may kasamang dugo’t luha,
Anong hirap sa sariling ang sarili’y mag-alaga!
Kadalasa’y ako na rin ang sa aki’y sumisira!
At sa tubig nakatakas sa hadlang ng isang sumpa
Halimuyak ng bulaklak na uns’yaming nanariwa,
Paruparong dati’y uod na sa supot nagsimula,
Ngunit, ako! Ibong kulong na sa hawla’y kumawala,
Kayamanang yutang buhay ang panubos kung masangla.
Kasintahan ng Bayani’t paraluman ng Makata;
Katubusan ng bilanggo’t pag-asa ng bayang dukha,
Araw-gabi ay pangarap ng busabos na timawa,
Maghapunang nagsasabog sa Daigdig ng biyaya;
Pagkatapos na sa Laho ay magdamag na pasila,
Ako’y mukhang maliwayway ng Hari ng Mga Tala,
Sa likod ng kabundukan ng Silangang mahiwaga,
Tumatakas, lumilipad, hanggang langit gumagala;
Sa madilim na piitan ng pag-asa, ako’y diwang
Nagbabatas ng ginhawa sa palad ng sangnilikha;
Sa gitna ng kabuhayan, ako’y kamay ni Bathalang
Ako’y si Laya

Nasa-bayan ang ugaling magagaso, bastos, pangit.
Nasa-bukid ang dalisay na ugali, puri’t bait,
Aariing isang hamak at alangang makapanig;
Kaya, Tao: hindi pagkat ang kapwa mo’y tagabukid,
Sa aani, kung anihan, ay mistula akong langit.
Sa maytanim ay dulaan ng ligaya kung taghasik,
Ng kasama’t halos ako ang lagi nang panaginip:
Nasa-akin araw-gabi ang pag-asa at pag-ibig
Kung sa utang ay mabaon sa maylupang mapaghigpit;
Akong tulad sa kumunoy, tubugan ng anakpawis
Para na ring pinanganlang taong-mangmang, walang isip;
Ngunit akong kung sa isang ngalang-tao, maikapit,
Sa maylupa’t sa kasama’y puno’t dahil ng kagalit.
Sa mayama’t kayamanan, at sa dukha’y pagtitiis,
Nakasahod kung tag-ulan, nakabilad sa tag-init;
Mga punso ang hanggahan, kung maraming datig-datig;
Na pasuka’t imbakan ng labas-masok na patubig;
Sinadyaan ng taguling sa pagita’t sa paligid,
Hanay-hanay na pilapil, na pahagdan sa dahilig,
Pitak-pitak, tabas-suklay, malalapad, makikitid,
Ang nang una’y pagka-parang, pinatag nang panig-panig;
Ang datihang pagkagubat ay hinawan at nilinis,
Kundi lupang nalinang na ng kalabaw at ng bisig;
Di na ako yaong basal na bahagi ng daigdig
Ako’y si Bukid


Responses

  1. Haaaay, Tatá, nakalulunod basahin ang iyong mga tula… parang gusto kong kunin ang iyong utak at kalungin, hingutuhan, tanggalan ng balakubak, at tunghayan kung ano meron doon… kung pwede lang itong panoorin tulad ng isang pelikula, o pakinggan tulad ng isang radyo… baka sakaling makakita ako roon ng isang makina, o isang talon na binubukalan ng mga salita, larawan, tula, awit… nakakalango ang maglunoy sa mga salitang bumubukal doon… ehehehe… di ko kasi maintindihan…(joke!)Ur really one-of-a-kind Tata… kaka _____!!!

    Rose


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: