Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 28, 2008

Kahapon Lamang (Manipis na eksena sa SONA)

Kahapon Lamang

(Manipis na eksena sa SONA)

Sinikap kong libutin ang buong lalawigan

Upang alamin ang galaw ng mga taong nais

Lumahok sa gaganaping mahalagang bagay

Para sa paliwanag ng punggok na ang pahiwatig

Ay nararamdaman daw ang malawakang pag-unlad.

(Pilipinas, sinusulpapitok ka sa mga ginagawang

Ingratang pamamahala ng isang unanong pandak)

Tulad ng sinabi ko, kahapon lamang ay himala

O pagkakataong nakalibre ako sa isang aksidenteng

Kagagawan ng mga ayudante ng isang delegadong

Nakagitgitan ko sa kahabaan ng Commonwealth na kalye—

Ang lulutong na mura ang inabot ko sa mga tarantado:

“Putang ina ka! Tabi! Tabi Tabi!” nilingon ko

Ito at nginitian ng abot-tenga sabay sabing ULOL—

Nawa’y alam mong kami ang nagpapasuweldo

Upang manigaw ka ng kapuwa! Malayo na’y nakalingong

Nanggagalaite sa galit sa akin ang mga sakay ng komboy.

Oo ka talaga kapatid…na-angkas ka lamang sa diyos.

Kahapon lamang, muli na namang umindayog ang tinig

At ipinangalandakan ang mga nagawa nilang magaling,

Yamot na yamot naman ang mga taong nangakarinig.

Oy, mga buwisit! Tigilan na ninyo ang pagsisinungaling!

28 Hulyo 2008

Sa kahabaan ng Komonwelt papuntang Batasan


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: