Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 28, 2008

Eksenang Tubigan (Altaris Resureksiyon)

Sumabo kagabi ang hipon at dulong
Habang natutulog ang buwan;
Nagparo’t parito sa bangkang may habong
Ang maninibulos na paham.

Ginising na bigla yaong mananagwan
Ng dayaw ng ibon sa silong.
Dambang apurahan paggaod ng lunday
Ang mananakilis sa duong.

Nagliglig ng galay ang antigong amba
Sa pamamagaspas ng dalag.
Kumibit sa pai’y pinilakang isda;
Sino ba ang hindi nagulat?

Nasubhan ang araw nagngitngit ang langit,
Walang bahagharing lumabas.
Gumaslaw ang alon sa banig ng tubig;
Ang tubong pantalya’y umandap.

Tata Raul Funilas
Sa bumbunang walang hipon at dulong sa lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: