Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 20, 2008

Kapit ng Tipak na Pikat sa Pitak (Para kay Alma)

Isang sakong alabok ang inihuho ko sa isang palangganang

Plastik na isang metro ang luwang at mga dalawang dangkal

Ang lalim, binanyusan ko ng apat na galong tubig at binastiya

Para gawing pinong putik. Ihinilera ko’y isang dosenang larawan

At sinipat ang hitsura ng isang Pambansang Alagad ng Sining sa wika.

Ginagalugad ng aking paningin ang mga sulok ng kaniyang titig,

Kailangang walang mabubura kahit ang mga pileges at gatlang

Inilalarawan ang marubdob na pag-iisip para sa kaniyang mga dalit;

Titiyakin kong magugustuhan ninuman ang aking pikat na ilililok

At sisiguraduhin kong malulutong na mga halakhak at palakpak

Ang mangingibabaw sa sandaling dumating ang takdang pagtatampok

Lalagumin ko ang mga halakhakan at palapakpakan nila at tiyak—

Maraming bulungan akong maririnig habang salimbayang kumikislap

Ang bawat pagkalabit ng gatilyo ng kanilang nakasukbit na kamera.

20 Hulyo 2008

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: