Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 18, 2008

Tag-an*

H-umulabid sa umang na lambat

A-ng isdang may lagare sa bibig,

Y-umutayot ang bangka sa bigat;

U-malon ang tahimik na tubig.

M-ay buhawing tulis ang halakhak

A-t ang lambat ay gula-gulanit.

H-umulagpos sa along tumiyad

I-tong malaking isdang dumikit.

N-aka-alpas, sa laot naglayag

A-t ang sinalunga’y mga yagit

N-a yangkaw at langkawas na libag.

G-inulo ang banlik at nagputik,

L-umabo nang lumabo ang dagat;

A-ng matabang isda’y naging pipis

M-ulang lambat ay mangalabukab.

B-anyi-banyerang nahuli’y banlik,

A-lumpihit itong maglalayag

T-uwing may buhawing lumalawit.

*uri ng isdang tubig-tabang, isa sa umalis at nawala sa dalawampu’t tatlong klase ng isda sa lawa ng Laguna.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: