Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 16, 2008

Alimbukad ng Isip (ni Rio Alma)

Very bright idea ang kumukulapol—

Isipa’y ang bukid, ilog mga burol;

Ragasa ng hangi’t daluyong ng alon

Gurlis na kinamot ng iyong kahapon.

Ikaw ba ay pantas upang ilambayog

Lahat na layunin ng mga taludtod?

Ilahas ka rin bang garing ang talulot

O ikaw\’y puwersa ng bulkang sumabog?

Saan ba nanggaling ang talinong hakab

At ang mga tula’y matibay ang pakpak?

Laop na ang tao’t kanlura’y pabagsak

Muni pang manungkit nitong Piedras Platas.

Alimbukad lagi ang lumeng pedestal,

Riwasa ng rurok kamit ang tagumpay;

Ilang mga bata’y gusto ring masundan

Olibang putong mong gintong lumilikaw.

17 Hulyo 2008

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: