Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 15, 2008

Ekonomiya at Pulitika ni Sister Karay

Daloy aming luha, tulo aming pawis sa gabing madilim,

Sa inyong pag-agos kipkipin na lamang an gaming damdamin;

Hugasan ang puso ng baying nawindang sa dusa’t hilahil

Upang makamulat sa krisis na taglay at laksang tiisin.

Natatandaan ko noong maupo na si Karay Sis pandak,

Sari-saring lupit ang humahagupit sa ‘ting Pilipinas;

May Gaci, may Broadband, may pila ng bigas at bagyong malakas

Kaya ekonom’ya ang sabi ay ramdam ang kunwang pag-unlad.

Sa ngayo’y malayang ibinubuyangyang nitong si Karay Sis

Kung sinong kapalit, sina Noli kaya’t Fernandong bungisngis?

Pinaghahandaan paglisan sa trono’y walang makasilip

Sa pagmamalabis sa bayang damakmak ang tinamong krisis.

Daloy aming pawis, tulo aming luha at inyong hugasan,

Ang putik ng bayang ang nagkukulapol ay ang punong hangal.

15 Hulyo 2088

Binigkas sa poetry reading ng Kilometer64 sa Conspiracy Garden Café


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: