Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 8, 2008

Buhay ang Tula

Kahapon, alas cuatro inpunto ako nagpunta sa awarding ng Gawad Likhaan ng UP Centennial Literary Prize sa Bulwagang C.M Recto sa Kolehiyo ng Arte at Literatura upang manood. Nakita ako ni Jerry B. Gracio sa lobby at abot tenga ang ngiti niya habang binabati ko siya, hanggang yayain niya akong pumasok kasama ang ipinakilala sa aking kasamahan niyang apat sa opisina ng Valenzuela City Hall. Si Jerry ang nanalo ng unang gantimpala sa pagtula sa Filipino Category at isa ko ring kasama sa Linangan sa Imahen Rertorika at Anyo (LIRA) na itinatag ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang si Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma.

Nakita kong nakaupo sa gawing likurang pabilog na upuan sina Jun Balde, Marne Kilates, Roberto T. Anonuevo, Regent Nelia Gonzales, Ricardo de Ungria, National Artists Sionil Jose at Bien Lumbera, Jun Cruz Reyes, Joey Baquiran, Mike Coroza, at iba pang mga dakila sa larangan ng panitik kasama ang limang puputungan ng setro at laurel. Nagkuwentuhan kaming tatlo nina Jun Balde at Bobby Anonuevo at napagkaisahan naming huwag nang sumama sa tsibugan sa Bahay ng Pangulo o Executive House matapos ang awarding, naiilang si Bobby dahil naka-rugged lamang kami. Nang matanaw ko si National Artist Napoleon V. Abueva na palapit sa dako namin agad ko itong kinamayan at binati nang lumapit sa akin. Naupo siya sa kaliwang bahagi ko at kinumusta ako nag-usap kami tungkol sa mga project namin noon at itinanong ko kung kukunin pa niya ang ipinagawa niyang eskultura sa akin noong nakaraang taon, bahala na raw ako, kung mabibili daw ay ibalik ko na lamang ang ibinigay niyang down payment habang nakangiti at patango-tango sa mga kakilalang dumadaan sa harapan naming. Ang sagot niya hanggang tawagin siya ng isang babae upang paupuin sa unahang bahaging bilog ng bulwagan kung saan ang nakaupo ay ang mga awardee at ang mga naging hurado sa patimpalak.

Hinanap ko si Ser Vim Nadera at ang sabi sa akin ng staff niya sa ICW ay nasa loob ng audio visual booth at magpeperform ng tula, pinasok ko siya at tulad ng dati binigyan ako ng gagawin habang siya ay tutula ng “Maya”isang piyesa galing sa ipinanalo ni Jerry Gracio na “Aves.” Nang dumating si Senador Edgardo J. Angara kasama ang Dekano ng KAL na si Rio Alma ay nagsimula na ang palatuntunang pinatnubayan ni Prof. Gemino Abad. Nagsindi ang mitsa ng palatuntunan sa pagpasok ng Rayadillo na halukipkip ang watawat ng Pilipinas at UP, sinundan ng Pambansang Awit at mensahe ni Regent NeliaT. Gonzales. Nagbasa ng tula si Ser Vim Nadera sa Filipino at si Prof. Ricardo de Ungria naman ang nagbasa ng tula sa English hango sa ipinanalo ni Jose Marte Abueg. Kumanta ng Pasiguin at Tagumpay ang Entwined Voices at panghuli ay ang awarding na pinangunahan ni Senador Edgardo J. Angara at mga punong hurado ng patimpalak.

“Aves” ang nagwagi sa tulang Filipino ni Jerry Gracio, “Nilulumot na Pader” naman sa nobela ni Jose Rey Munsayac, “Agaw Dilim, Agaw Liwanag” ni Lualhati Abreu sa sanaysay, “Birds Lands, River Nights and Other Melancholies sa English poems ni Jose Marte Abueg at ang nanalo ng dalawang kategoriyang si Criselda Yabes sa non fiction na “Below the Crying Mountain” at “Sarena’s Story: The Lost of a Kingdom. Malulutong na palakpak ang iginawad ng mga naroon sa bulwagan habang tinatawag ang mga nagwagi.Tinapos ang palatuntunan ng awiting UP Naming Mahal at ang paglalabas ng mga watawat.

Nang matapos ang awarding ay nagtuloy kami ni Bobby Anonuevo sa bahay ko at ipinakita ko ang mga bago kong ginagawang eskultura kung saan pinamili ko siya ng gusto niyang obra ko, tulad ng dati nagtuloy kami sa Sarah’s Place. Dala ang isang bagong librong Florante at Laura na inedit ni Rio Alma na may pagsasalin sa ingglis ni Marne Kilates umorder kami ng tig-isang lite beer at tokwa at baboy.

Inihuntang kutob niya kung sumali siya sa Gawad Likhaan ay siya ang nanalo at napag-usapan namin ang pang-apat niyang koleksiyon ng libro na ito ang magiging pakpak niya upang liparin ang pang-buong mundong larang at dalumat ng kaniyang likha upang kilalahin ang talas ng kaniyang pluma sa larangang kaniyang ninais galawan. “Ipinauubaya ko sa iyo pare ang national.” Buntot at tudyo niyang pahayag. “Itaga mo pare sa bato! Balang araw, makararanas akong imbitahin sa ibang bansa upang magsalita hinggil sa ating literaturang Filipino at ipinangangako ko sa iyong ito’y bibigkasin kung purong purong wikang Filipino sakaling dumating ang takdang araw.

Marami kaming napaghuntahan patungkol sa panulaan at pumasok din sa kaniyang guniguni ang pagsamahin ang kaniyang isang gagawing tula na ilalangkap sa aking gagawing eskultura. At kung sakaling may bibili ay mamahalan namin ang presyo na sinang-ayunan ko naman dahil ang gagawin naming dalawa ay titiyakin naming magbabagbag ng mga bagabag sa makakikita at makababasa nito.. Natapos namin ang tigatlong bote na parehang lumilipad ang diwa patungo sa di malipad ng uwak na pangarap. Bubuhayin namin ang tula at paliliparin sa dakong makikita ang kaliit-liitang himaymay ng balahibo nito. Raul Funilas Hulyo 9, 2008


Responses

  1. Amazing ha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    buti pa po kau nakta nyo na si Jerry B. Gracio nakakainggit nmn po kau!!!!!!!
    hu!HU!HU!HU!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    nakaka touch nmn……………………………
    cno po ba kau???????????????????????????????????????????????????????????

  2. galing boss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    MAGANDA………………….
    BRAVO!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: