Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 5, 2008

Masabi Dirasal Mahal na Inang Birhen

Mulang magka-internet kami sa bahay, hindi na ako nakatipa nang maayos sa computer upang gumawa ng mga wento at tula. Dangan ba naman e para ng adik ang dalawa kong anak na babae sa chatting. Tulad kanginang umaga, gagawa sana ako ng tula upang ipa-workshop sa Cluster 3 ng LIRA ngunit Santigwa de Corazon kausap ng anak ko ang kaniyang kapatid sa ibayong dagat e ke aga-aga pa. Kaya ang ginawa ko e nagpunta ako sa aking munting galeriya at doon sana ako gagawa dahil may computer din doon, ngunit masabi dirasal mahal na Inang Birhen pagdating ko sa galeriya ko sa may Ever Gotesco e wala namang power ang Meralco kaya ayun, nagtiis na lang ako sa lumang tula kong ginawa ko pa nitong nakaraang Mayo 2008.

Bago ako pumunta sa UP-Kolehiyo ng Arte at Literatura ay naglilok muna ako ng isang tula sa “Dulang” na isinulat ng mga dakila at tarikan at naglilok din ng dalawang replica ni Oblation na yari sa resin at semento. Nang dumating ako sa Rm. 201 ay naroon na ang sina tarikang Bobby Anonuevo, Xam Samson, En Villasis, habang nagli-lecture naman si Ser Joey Baquiran sa fellows ng LIRA batch 2008. Kaagad kaming nagsenyasan ni Ser Bobby na magsimula na kami ng workshop para sa Cluster 3 at nang palabas na kami ay dumating naman si Pam Maranca. Nagsisimula na kami nang sunod dumating sina Dai Miranda at Beng Limpin.

Unang bungad ni Ser Bob ang kahalagahan ng aming workshop tungo sa isang anthology ng Cluster 3 o maging sa individual at…mariin niyang bigkas: “Hindi kailangang marami tayo kung hindi naman sila interesado sa ating gagawing workshop.” Napagkasunduang kada isang buwan sa araw ng sabado gaganapin ang workshop at lipos niya itong pag-uukulan ng panahon upang maging giya ng tropa.

Limang tula ang naisalang, nauna ang kay Xam Samson na tulang Pananalaba, sumunod ang aking Nang Umulan sa Aking Dapithapon, pangatlo ang kay Pam Maranca na Piyesta, pang-apat ang kay Dai Miranda na Awit ng Paghimbing at panghuli ang kay Beng Limpin na Sa Naiwan. Masusing binusisi ang mga tula namin ni Ser Bobby at nang matapos kami ay sabay na natapos ang palihan ng LIRA kaya nagbakwet na kami at napagkasunduang magbanlaw ng vitamins Beer sa Sarah’s Place.

Kasama ang walong bagong fellows, nag-order si En ng beer at pulutan habang nagwewentuhan kaming lahat. Habang magkasuyong magkadikit sa iisang upuan sina Philip Kimpo at isang diwata ng batch 2008 ng LIRA. Maraming topic, mula sa pagiging tarikan ni Ser Bobby Anonuevo na pinangunahan kong breaking the record ang ginawa niya bilang pagiging pinakabatang Hall of Famer ng Carlos Palanca Awards kung saan hindi lang limang beses taun-taong nananalo ng first prize kundi anim na sunod na taon, ang sagot ba naman ni Ser Bob e, nakatsamba lang daw siya.

Pinayuhan ko rin naming ni Ser Joey Baquiran ang mga kasamahang fellows na huwag liliban sa kanilang workshop dahil ang isang pagliban ay kahulugan ng maraming pagkawala sa pag-aaral ng sa pagtula. At ang tanong ni Ser Bobby Anonuevo sa mga fellows na: “Bakit pa kayo tutula e namamatay na ang pagtula. Maraming sumagot na fellows kung saan gusto nilang ipagtanggol na habang sila’y buhay ay buhay ang pagtula.Hanggang napunta ang usapan sa Gawad Likhaan ng UP 2008 sa Literatura kung saan si Ser Joey Baquiran ang nagbunyag nang mga napiling Top 5, laking gulat ng tropa nang malaman namin ang pinagpiliang limang tula sa tatlumpong lumahok sa tula kung saan ang nanalo ay ang aming ka-LIRAng si Jerry B. Gracio ng nag-iisang gantimpalang tumataginting na 200,000 pesos. 1. Jerry B. Gracio, 2. Raul Funilas, 3. Teo T. Antonio, 4. Ayer Arguelles, at 5. Marlon Hacla. Nanghinayang ang tropa dahil kung nagkataong may premyo hanggang 3rd prize e tiyak na babaha ng alak at uulan ng pulutan sa galeriya kong munti. Hanggang sa nag-uwi-hi-uwihian na ang iba, pati si Ser Bobby ay umuwi-hi na rin ngunit nagtext siya sa aking iisplit na raw siya at may lakad pa sila ng pamilya. Naghatagan ng datong at binayaran ni En ang bill naming lahat. Sabay kaming umuwi ni Ser Joey Baquiran at inihatid ko siya sa Tiburcio sa KNL. Muli, nakatatlong lite beer ako at inaamin kong medyo napukaw ang natutulog kong bahay-alak. Hulyo 6, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: