Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 3, 2008

Adik sa Mensahe ng Outbox at Inbox

Higit ang hininga kapag wala nang load,
Ang bulsa’t kalupi’y siyang dinudukot;
Laging nagpu-full charge at baka maudlot
Ang labis na haling sa mensahe’t pindot.
Ganado’t masipag kapag nakikita
At napapakinggan ang ringtone kayganda,
Ngiti ay mutawi kapag tumawag na—
Girl friend na sina Fe, Lorna’t Adelaida.
Subalit nawala ang outbox at inbox,
Elising umikot ang ulo paghanap;
Lahat nang makita’y tinatanong agad
Palahaw-tungayaw hagulgol pa’ng iyak.
O, kayong maraming na adik sa celfon,
Nawa’y matutuhang higitin ay sint’ron.

Hulyo 4, 2008
Bgy. Yukos, Nagcarlan, Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: