Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 2, 2008

Asulpar*

Habang naglalabra ng baul kong bangka’y

Aking tinatanaw ang lawak ng lawa,

Baka di umusad sa sagwang ginawa;

Dahil lumalawit ang tabil mong dila.

Habang umaakyat sa tarik ng bangi’y

Aking sinusuri ang tibay ng baging,

Baka kung ako na ang nakalambiti’y

Maputol na bigla sa talas ng angil.

Sakaling lumampas ang nais ko’t himok,

Ang hiling sa iyo’y himbing na matulog;

Dahil kung gising ka tiyak mauudlot

Aking paglalakbay sa lahat ng dunggot.

Pagbuka ng bibig piliing mahusay

Na ang wiwikai’y may koronang lantay.

*kontra


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: