Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 29, 2008

Paglangoy Ng Prinsesa Ng Mga Bituin

Pulos dagim-papawirin ang bumabalot sa lugar
Romblon, kalapit ng Burias. Isang barkong lula’y daang
Iginiya ng timonel na sabi’y maraming alam,
Nabigador na bihasa sa lawak ng karagatan.
Sablay ang gawang disisyon nang ipasiyang ibirit—
Elisi ng barko’y tangkab-bahura at tumagilid
Sa tapat ng San Fernando. Hindi narinig ang tinig
At ni walang nakakita sa Prinsesang ubod-rikit,
Bitwing lumangoy sa dagat at tuluyan nang sumadsad,
Ilang oras ang dumaan at ang lahat ay nagulat,
Takot ang nagbadya’t luksa ang bumabalot sa dagat;
Umiikot-ipoipo ang tulong ng maglalayag.
Isang trahedya na dapat ay hindi na nauulit
Ngunit ang mga may-ari ng barko’y mga suwitik.

30 Hunyo 2008
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: