Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 25, 2008

Netugnatanibalsi Aga Tatakam (Lagalag sa Susong Dalaga)

Tumutula’t humuhubog.
Alimbukad maimbulog,
Tumatagos nanghihimok
Ang salita’t lilok-moog.

Ragasa ng hangin at alon sa lawa,
Ang hinuhuli kong laksang talinghaga;
Upang makabangon ang akda kong tula’t
Lumipad sa rurok, tanghaling makata.

For your information, isang manlililok.
Ugat na natumba’t tanso’y hinuhubog,
Naanod na kahoy, sementong alabok—
Ito’y huhugisang napaka-alindog.
Lipos palahanga sa mga diwatang
Aali-aligid sa huklubang diwa’t
Sinasalamisim ang pagtalo-bata.

27 Hunyo 2008
Bahay Buwaya sa Naglumbang
Dunggot ng Nagsadya
Bgy. Lambak, Cardona, Rizal
Isla ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: