Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 24, 2008

Sampung Diona sa Kaligiran

Uno

Ang butiki’y mabait,

Ito ay humahalik

Sa lupa mang nagputik.

Dos

Pag may biyas na buto,

Kaibigan ng tao

Ang mabagsik na aso.

Tres

Lumilitaw ang daga

Sa madilim na lungga

Kapag tulog ang pusa.

Cuatro

Naglilinis ang ipis

Sa banggerang may panis

At tirang kaning-lamig.

Cinco

Katulong ang anuwang

Pagbubungkal ng tigang

At baku-bakong parang.

Seis

Tumatawa ang baka

Kapag ang hinihila’y

May gulong na kareta.

Siete

Masarap daw ang kapeng

Barako sa Kabiteng

Alamid ang nagtae.

Ocho

Malakas pumagaspas

Ang sa labuyong pakpak

Pag nasilo ng bitag.

Nueve

Masamang pangitain

Ang huning mataginting

Nitong Tigmamanukin.

Dies

Sumasabo ang langkay

Ng isda sa hulihan

Ng bangkang may kanaway.

25 Hunyo 2008UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: