Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 23, 2008

Santigwa

Nag-aagawan ang dilim at liwanag
Nakahiga sa sahig na kawayan
Ang isang talobatang ang katawan
Ay sinaniban ng Matandang Gubat—
Habang umuusal ng bulong ay banayad
Na nagsindi ng kandila sa altar ang albularyo.

Isang higanteng alon ang pumaloob
Sa bibig ng namatandang-gubat
At unti-unting iniluluha ng kaniyang nakapikit na mata.
Nakabibinging bulong ang ipinapapasok sa kaniyang tainga
Ng hindi nakikitang espiritung humahalukay
Sa kaloob-looban ng kaniyang kaluluwa.
Nasisinghot niya ang nakasusulasok
At hindi maipaliwanag na amoy
Galing sa singaw ng kaniyang katawan.

Maraming naglalarong guniguni sa likaw niyang utak,
Ang matitipunong haligi at moog ng kaniyang nakaraan;
Pilit siyang iginugupo upang ihiga ang kamalayan.

Hanggang sa inilipad ng hangin ang kaniyang katawan sa kawalan,
Malakas ang sinasagupa niyang salikwaang hangin;
Nakapikit ang kaniyang mata ngunit gising ang pakiramdam—
Sa isang nilikhang lumilipad at walang lubay na kasunod niya.
Pabuka-buka ang bibig at gustong sahurin
Ang pawis na humahagdan sa buo niyang katawan.

Sumagad sa rurok ang kaniyang di matingkalang pag-ilanlang
At animo’y isang mandirigmang nalupig sa digmaang nilahukan.

Dumilat ang kaniyang mga mata ng paragasang hugos bumuhos
Ang higanteng alon kasama ang isang walang kasimputing perlas,
Walang sinayang na sandali ang nilikhang sa kaniya ay hindi lumulubay;
Pumasok sa dambuhalang tubig at sinisid ng bibig ang busilak na perlas.

Nang mahimasmasan ang namatandang-gubat,
Hinihimas ang ulo niya ng nilikhang laging nakasunod na lumilipad
Habang sa altar ay patuloy ang tulo ng nalulusaw na kandila.

Marso 30, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: