Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 23, 2008

Palabas na ang pelikula naming BARAKO

Hulyo 2-8, Galleria: Lumbera, Funilas, Nadera, Coroza atbp. sa “Barako”

(4 posts)

  1. Daemano
    Member

    Sa unang pagkakataon, ipapalabas sa komersyal na sinehan ang “Barako”, isang historikal na pelikulang indie sa direksyon ng awtor na si Manolito Sulit at kasamang direktor/sinematograper Emman Pascual, Hulyo 2-8 sa IndieSine Cinema 8 ng Robinsons Galleria.

    Isang mapanuring pelikula tungkol sa pulitika at demokrasya sa Pilipinas, saklaw nito ang mahigit sandaang taon ng kasaysayan mula sa Digmaang Pilipino-Amerikano hanggang sa kasalukuyang siglo, gamit ang lokal na karanasan ng isang bayan sa Batangas (kaya ang pamagat ng pelikula).

    Tampok sina Arnold Reyes, Carlon Matobato, Leo Martinez at Dennis Marasigan, pati na ang espesyal na partisipasyon nina National Artist Bienvenido Lumbera, Behn Cervantes at Archie Adamos, at ng maraming manunulat na pinangungunahan nina Beverly Sy, Raul Funilas, Vim Nadera at Mike Coroza, naunang itinanghal ang pelikula bilang bahagi ng eksibisyon ng Cinemalaya 2007.

    Ayon kay Lumbera, isang pelikula itong tumalakay nang buo sa pulitika ng bansa, at itinuring naman ng premyadong manunulat na si Fanny Garcia bilang bagong “Noli” at isang pelikulang maraming sinasabi tungkol sa ating lipunan.

    Posted 2 days ago #
  2. Daemano
    Member

    Para sa iba pang impormasyon, dumalaw sa http://barakothemovie.com/.

    Posted 2 days ago #
  3. Daemano
    Member

    “Pagsusuri sa Pelikulang Barako” ni Christine Marie Lim Magpile

    Malamig ang gabi habang pinanonood namin ang Barako. Nakakaakit tuloy matulog lalo na’t mapanghele pa ang tunog ng mga kuliglig. Kahit wala naman akong kapeng barakong ininom, gising na gising ako. Hindi kasi mapakali ang aking diwa. Bakit kaya “Barako” ang pamagat ng pelikula at ano ang sinisimbulo nito?

    Kinakailangang mapanood nang buo ang pelikula para masagot ang katanungan. Pinamagatang Barako ang pelikula dahil sa Batangas ang tagpuan kung saan likas ang kapeng barako. May mga eksena ring nagpapakita ng pag-inom ng kapeng barako ng mga tauhan.

    Kung susuriing mabuti, di lang pagkakaroon ng kapihan at pag-inom ng barako ang nais ikuwento ng pelikula. Inilalarawan nito ang iba’t ibang uri ng mga Pilipino. Inilalahad din ng Barako ang kalagayan ng mga tao at kung paano nila hinaharap ang hamon ng buhay.

    Sinisimbulo ng kapeng barako ang buhay at kapalaran ng isang tao. Dumadaan muna sa isang mahabang proseso ang butil na inani bago ito maging isang kapeng barako. Kinakailangang tama ang prosesong pagdadaanan upang maging husto ang timpla at masarap ang kape.

    Ganoon rin ang buhay ng tao. Marami siyang kinakailangang pagdaanan para magkaroon ng kaganapan at maisakatuparan ang minimithi sa buhay. Subalit dapat niyang tahakin ang wastong landas kahit na mahirap o mapanganib ito.

    Ang pelikulang Barako ay katulad ng kapeng barako. Pareho nilang ginigising ang tulog na diwa ng mga tao para bumangon at kumilos. Ipinahihiwatig ng pelikula na kung mananatili lang tayong nagmamasid o nakaupo, ang ating kinabukasan ay magiging mas mapait pa sa kape.

    Masarap langhapin ang amoy ng mainit na kapeng barako habang papasikat pa lamang ang araw. Nakapagdudulot ito ng lakas. Masarap uminom ng kapeng barakong mainit kapiling ng ating pamilya o mahal sa buhay. Nakapagdudulot ito ng pag-asa.

    Ang pelikulang Barako ay kuwento nating mga Pilipino sa paghahanap ng kalayaan sa kahirapan at liwanag na makita ang daan tungo sa magandang kinabukasang hinangad at ipinaglaban ng ating mga bayani.

    Posted 2 days ago #
  4. Daemano
    Member

    BARAKO: a review by Jer Paguibitan

    A local writer in his youth, with intense fervor of nationalistic ideologies, mistaken as an aspiring politician and as an activist, in his attempt to conscienticize the common people he lives with, marked the focal plot of the independent film, Barako.

    The film attempted on elaborating the current and timeless socio-political issues of the local scene, so as on tracing the root causes of such dilemmas. Presented in a documentary-like format, Manolito C. Sulit, the director, producer and writer of Barako, did away with some conventions established by well-renowned indie films, such as single story plots and [dramatic characterizations]. As such, hypothetical screen shots of events during the Filipino-American War were included, assuming its role in influencing the existing socio-political condition of the domestic arena. Despite the experimental formulae for its cinematic aestheticism, the film’s two-hour run time vividly defined the context of its title, instigating from Batangas’ well-identified product, the barako coffee.

    Barako discredits the importance of age hierarchy as its contents cater to both the young and the old. It expresses the idea that recognition of patriotic responsibilities does not demand one’s chronological growth, but the maturity to accept these, as he identifies himself to where he truly belongs.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: