Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2008

Oda sa Sentenaryo ng UP (1908-2008)

Ikalabingwalo ng buwan ng Hunyo,

Ikalawang libo at eksaktong walo;

Nang magtipon-tipon higit tatlong libong

Pula’t lungting lobo’t mga empleyado

Upang gunitain itong Sentenaryo

Ng UP Dilimang antigong koleh’yo.

Ako’y nagagalak na ako’y kasama

Bilang empleyado sa isang istorya,

Pagkat dito yata ang aking bibinga

Ay ilalagak kong napakaligaya.

Para sa ‘yo UP ituloy ang hakbang

Upang taluntunin ng laksang iskolar

Ang mga bakas mong sadyang inilaan

Sa mga mahirap walang kakayahan

Ngunit ang talino’y makislap ang kinang.

Dito na nagpilak ang bulbol ko’t uban,

Dito rin natupad tanging kahilingang

Tunguhin ang landas at ningning ng ilaw

Nitong edukasyong aking naging gabay

Sa anim kong anak na makapag-aral

At maging sandata habang nabubuhay.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: