Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2008

Kutsero

May isang babaeng musang Abenida

Na gustong umuwi sa kanyang probins’ya,

Dahil sa matagal na hindi nakita

Ang mga kapatid at ang ama’t ina—

At hetong panahong kanyang ipakita

Na di nagkamali paghanap ng pera

Kahit na mahirap mabansagang puta

Basta’t makaahon sa dalita’t dusa.

Mulang entres’welo sumakay ng taksi,

Agad nagpahatid sa may Quezon City;

Mga pasalubong kaydaming binili

Halos tatlong net bag na pagkalalaki

Ang kaniyang uwi at ipagmalaking

Umuwi po akong may perang nasubi’t

Sa aking magulang ay makapagsilbi

Higit sampung oras ang kaniyang b’yahe.

Maghahatinggabi nang siya’y dumating,

Wala nang masakyan kahit na traysikel;

Di kaginsaginsa’y may humahalinghing

Burikong kabayong sa mata’y may piring

Tuwa sa nakitang kalesang nahimpil

Sakay ang kutserong tila nahihimbing

Sabay ang pagtawag kutsero’y ginising:

P’wede bang pahatid sa baryo po namin?

Hagok sa paghilik matandang kutsero’t

Hindi alintana bagong pasahero,

Kaya ang ginawa’y niyugyog sa braso

Hanggang sa nag-angat ng kanyang sombrero

Ang matandang tila lasing pa at hilo

Kaya ipinilig nakakalbong ulo

At sinipat-sipat sa babang estribo

Kung sinong pumukaw sa pag-idlip nito.

Tanong ng babae’y ihahatid po ba

Ninyo ako lolo sa bukid-tumana?

Sagot ng matanda’y ako’y pahinga na

Dahil sa napagod sa pangangalesa

Kaya bumaba ka’t humanap nang iba

Diyan sa may kanto’y may pumapasada

Pasasaan baga’t bago mag-umaga’y

Sa inyong tumana’y makararating ka.

Dahil kasabikang siya’y makauwi,

Hinaplos-halos n’ya ng dila ang labi’t

Waring ang matanda’y nilalandi-landi

At saka nangusap lantik ng daliri

Hinipo-hipo pa’ng nakatagong ari

Ng matandang sabi’y malutong na: Hindi!

Ngunit sa pundilyo’y may biglang umusli

Parang ang matanda’y alumpihit-ihi.

Lalong pinag-igi ang hiling at himok

Na siya’y ihatid sa malayong pook,

Kahit may kundisyo’y ipagkakaloob.

Untag ng matanda’y sakiting lubos

Ang kanyang kabayo’y laging nauutot

Kapag malayo na ang hinaharurot

Pagtakbo.Ay Ineng, ako’y matutulog

Ikaw ay bumaba’t sa iba umirog.

Agad na sinalo ang huling salita,

Nang tumulong laway kutserong matanda

At isang kundisyon biglang sinambitla,

Kahit po pakaplog ako’y nakahanda

Sa bawat pag-utot ng inyong alagang

Kabayong huklubang mamatay na nga

Yata.Ang matanda’y pumayag na bigla.

Halos sampung hakbang kabayong tinakbo’y

Biglang napa-utot hirap na kabayo,

Sabi ng dalaga’y tigil ang buriko’t

Ating kasundua’y gawin na po ninyo.

Agad tumalima’t bumayo’ng bumayo

Ang nanginginig pang matandang kutsero

At nang makatapos muling pinatakbo

Ang nakapahingang huklubang kabayo.

Ang kabayo’y muling nagsabog ng utot

Sa limampung lundag sabay natalisod,

O, hayan po lolo muli pong umutot

Itigil po ninyo’t muli pong kumaplog.

Halos isang oras ang matandang hukot

Sa kanyang kandungang hingal sunod-sunod

Madalang na hinga’y tila mauubos

Ang babae naman sa mukha’y nagpulbos.

Pamuling tumakbo patumanang landas,

Isang kilometro’y utot sumambulat

Ngunit di pinansi’t hindi nag-uusap

Ang matandang tila may angking bagabag

Kaya ang babae ang siyang humawak

Ng rendahang lubid at saka hinaltak

Upang mapatigil ang kabayong hirap

At muling tuparin ang kundisyong tapat.

Ayaw nang magalit sandata ng hari,

Kaya dinadaan sa pangiwi-ngiwi;

Ngunit ang babae’y tuksong nilalandi

At tsinutsupon pa ang mga daliri

Ng matandang sabi’y teka nga sandali’t

Mukhang pumupurol ang dala kong tari’t

Di yata tatalab kung aking mawari

Kaya ang babae ang siyang yumari.

At nang makatapos ay muling tumakbong

Higit na mabagal hirap na kabayo,

Habang yaong paa ng ating kutsero’y

Tinatakpan-takpan ang puwit-tambutso

Upang mapigilan kung umutot ito

Dahil sa dinanas na tila kalbaryo

Sa kanyang napulot bagong pasahero.

Pamuling nautot kabayong buriko.

Nakangising sabi ng babaeng sakay:

O, hayan po lolo’t umutot na naman,

Itigil po ninyo at muli pong tikman

Ang aking bibingkang sa ‘yo nakalaan.

Ang tangang latigo’y hataw walang humpay

Sa kabayong puwit: Ineng pabayaa’t

Hayaang magtae iyang tampalasang

Ulangyang kabayong ako ang nasingkaw.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: