Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 18, 2008

Kalabukab

Hindi iilang bula ang ating nakita
Sa kalmanteng lawa habang dinadala
Ng agos ang ating musmos na pangarap.
Kumuha ka pa ng isang batong malapad
At pinasalapsap sa ibabaw ng tubig.
Maigting ang pagkabitaw mo sa bato’t
Lumikha ito nang halos walong lukso
Hanggang tuluyang sumisid sa putik.
Doon natin nalama’t nabatid na higit
Palang maraming bula ang nalilikha
Ang batong hinaplos ng iyong palad
Kapagka ito’y humalik at kinalong
Ng lawang sabik sa isang pagmamahal.
Hanggang tayong dalawa’y sumisid
At doon sa ilalim ng lawa ay lumikhang
Muli ng totoong pangarap sa buhay.
Umaahon tayong basa habang patuloy
Ang guhit ng bula sa ating pinanggalingan.

Hunyo 19, 2008
Bahay ng Alumni
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: