Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 16, 2008

Orasyon sa Dapithapon

Kabilin-bilinan nina lola’t lelong,
Tuwinang sisilim pulang dapithapo’y
Tumakbong pauwi’t sa altar pumaro’n
Lumuhod, magdasal, bendito’t orasyon.

Ngayong ako naman ang nagiging lolo,
Isinasalin ko sa ‘king mga apo
Ang pamanang bilin sa ‘king pagkatao;
Upang di mawalay orasyo’t bendito.

Ako ay nagbitin ng isang batingting
At pinatutunog sa hapong lililim,
Araw sa kanlura’t agad dumarating
Ang anak ko’t apong dasal ay taimtim.

Ang huli kong usal matapos lumuhod,
Magdasal sa altar: “Anak tayo ng Dios.”


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: