Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 11, 2008

Bulag Daw ang Pag-ibig (Sabi Nila)

Ang puthaw-tulang ito ay panadtad at parunggit
Sa taong hindi nakababatid ng salitang pasakit
Sabi ni B: Nakabubulag daw ang pag-ibig.
Hindi nila nakikita ang tarik at dahilig
Na sinasalunga at isinusulat ng lapis
Ng isang nagpupunyaging mapalis
Ang libag na matagal nakadikit
Kay Lumabo’t Huklubang Isip.
Ang dakilang taong malabis
At sadyang pinaririkit
Ang butong hasik
Na sumisiksik
At makamit
Ang hilig
At ibig.
Panis,
Ipis,
Ka
Lu
Ma
Bo’t
Huklubang Isip! Hindi mo nakita ang malabis na sumasamba at dumakila sa iyo. Ano ka!
Wala kang nakita kundi ang kambal tukong tatango-tango sa lahat mong gustuhin. Hala!

Hunyo 11, 2008
Sa tabi ng rebulto ni Magdangal habang ginagawa ni National Artist Napoleon V. Abueva sa Kolehiyo ng Arte at Literatura New Bldg.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: