Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 9, 2008

Pagdalo sa Piging ng Kasal ng Tubig at Hangin

Ang kalawakan ay diyos noon pa man ng mga inmortal.
Siya ang nagbuklod-puso sa mga umaalipatong hangi’t
Umaalimpuyong tubigan. Saksi ang matayog na kabundukan
At ang humahapay na kanluran ng namumulang takipsilim.

Tuwinang inaaway ng didosong hangin ang kalmanteng dagat,
Bumabalikwas ang kuyom na alon at pagalit na gumugulong
Upang salpukin ang ngalit ng hangin sa pagtiyad ng mataas;
Subalit humahantong ang alon sa dalampasigan ng dapithapon.

Walang nagagawa ang diyos ng kalikasan sa away ng hangi’t tubig
Kundi ang lumalang ng kani-kanilang anak na tanging magbubuklod,
Binalutian ng diyos ang tubig at hangin at tuluyan niya itong binuntis
Upang ipanganak ang dayaray at kulimlim hanggang kumalma ang laot.

Hagwis sa buhay ng tao. Walang hindi napaghihilom sa kuyom ng galit—
Kapag naranasan nilang umalimpuyo at umalipato ang pintig ng dibdib.

Sa Dunggot ng Alakos
Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: