Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 4, 2008

Honlugan (Walang Atras)

I-sang mahabang dulang ang pagdarausan ng hanapbuhay
N-g bagong ikakasal. Naka-upo ang mga kalalakihan sa nayon
A-t bawat isa’y bumibili ng inuming alak at masarap na pulutan.
G-arapong walang laman ang hawak ng Tagapag-ugnay. Layo’y
U-mpisahan ang paglikom ng pera sa lahat na naroong dumalo.
R-umirepike ang maharot na tugtugin habang dumudukot sa bulsa
A-ng bawat tokahan kung magkano ang kayang ibigay na regalo.
S-umasayaw ang ibang na-aaliw sa tugtuging sa kanila’y nagpapasaya,
Y-akap sa kulturang ipinasa ng mga ninuno upang kanilang ipamalas
O- ibantayog na ang tradisyong kinagisna’y naiiba sa napapanood
N-ila sa ibang bayan. Habang napupuno ang garapon sa dulang ay lalabas
N-a ang ikinasal upang bilangin ang natausang pera sa garapong inihulog.
G-amit ang bikas ng Tagapag-ugnay upang ang nalikom na pera’y lumago.
I-babando niyang kulang pa ang nalikom na pera at may putal na piso’t
K-ulang pa upang maging isang libo, hahanap ng kamag-anak na magpupuno
A-t kapag napunuan ay siya na ang dudukot-bulsa’t magputal muli ang libo.
K-akalantariin naman niya ang iba pang hindi pa nagbibigay upang dumukot
A-t punuan ang kakulangan. Paulit-ulit ang pagbabandong kulang ang pera
S-a garapon at kailangang makalikom nang sapat upang ang hunlog ay umabot
A-t maging sapat na pagsimulaan ng bagong pamumuhay ng bagong mag-asawa.
L-umulubog ang araw ay makikitang walang pagsidlan ng tuwa ang ikinasal.

5 Hunyo 2008
Sa Batsong
Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna

*Kulturang paghuhulog ng pera sa garapon tuwing may ikinakasal kapalit ang inuming alak at masarap na pulutan sa pulo ng Talim sa lawa ng Laguna upang makatulong sa paninimulang buhay ng bagong kasal. Tinatawag din itong “walang atras.”


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: