Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 26, 2008

Dalawang Tula: Mailap na Pangarap at Malakas at Maganda

1. MAILAP NA PANGARAP

Paano nga ba ipaliliwanag ang lungkot na nadarama
Sa tuwinang maggugudnite ako sa ‘yo?

Bumabaldig sa mukha ko ang katotohanang
Ikaw’y hindi akin at nasa piling ng iba.
Hindi na masusukat
Ang
Lu
Hang
Ni
Lu
Lu
Nod
Ng tubig
Na inihihilamos sa aking nahahapis na mukha upang itago ang kalungkutang
Bumabalot sa aking pagkatao sa tuwinang sasapit ang oras ng pamamahinga.

Ilang gabi pa nga ba ang bibilangin
Hanggang dumating ang panahong makatatabi na kita sa aking pagtulog?
Gaano pa nga bang katagal na mananaginip na mugto ang mga mata?
Ang alam ko lamang, ngayong umaga’y
Matutulog akong muling yakap—
Ang isang mailap na pangarap.

2. MALAKAS AT MAGANDA

May bulkang sumasambulat,
At mundo’y pasan ni Atlas;
Lindol man ay nangungusap
Along rumagasa’y may tiyad.
Kanyon ay hari sa lahat,
Amihan at kahit habagat;
Silang lahat ay malakas.

Makukulay na balangaw
Ang harding puno’ng halaman,
Gal’yong sa dagat naglakbay
Ang ulap sa kalawakan;
Nasalami’t kagandahang
Di kaylan man mananakaw
Abutin ma’y kamatayan.

25 Mayo 2008
Sa Batsong sa pulo ng Talim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: