Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 22, 2008

Kaibahan ng Tao (Propitaryo at Proletaryo)

Una:

Propitaryo

Walang hangad kundi tubo
At ang pera ay lumago.
Lipos itong barumbado’t
Ang manglamang ang trabaho.
Ngumingising parang aso’t
Ginagago’ng kap’wa tao.
Hila-hila na ang k’warta’y
Inuumit pa’ng sa iba,
Yaman nitong sobra-sobra’y
Alahas na pang-aranya.

Pangalawa:

Proletaryo

Walang hawak kundi tubo
At ang tapang na antigong
Lantay na gintong prinsipyo
At paglingkuran ang tao.
Nagkakasa’t higpit-hawak—
Gatilyo nitong armalayt,
Yaman at ginto ay salat
Ang tulugan ay ang gubat
Mga sumbong nang inapi’y
Agad itong magsisilbi
Ng buong puso at libre.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: