Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 19, 2008

Sina Amihan at Habagat (2 Tula ni Tata sa Hangin)

1. Panaghoy ng Tulos

S-ipuling punebre ang taghoy ng tulos—
I-nihihip-hihip sigwang buhat bundok.
G-umulong ang along ginising sa laot,
W-aterliling Lumbang luksong umaanod.
A-ng Tigmamanuki’y dumayaw sa baklad,
N-ililigalig ang buhay magdaragat
G-inaw ang kayakap sa buong magdamag;
A-ng hatid mong unos kakapusang palad.
M-aari bang ikaw’y huwag nang bumalik?
I-tago ang lakas at lubhang panganib
A-ng dagling pagdalaw sa kalmanteng tubig
N-a ang nagdadala’y kaming maliliit.
A-ng iyong dalawi’y ang nanamantalang
N-angupot ng isda sa lawang Laguna?

17 Mayo 2008
Sa laot ng pulo ng Talim
Bgy. Binitagan, Binangonan, Rizal

2. Pagluwas ng Habagat

H-anging naglalakbay galing kalunsura’y
A-liging nagkapit laksang alinsangan,
B-awat masalungang alon sa tubiga’y
A-lis ang maruming lasong tinataglay.
G-uhit nitong kidlat at dungdong ng kulog
A-ng kumikilapsaw sa kuluting anlog,
T-inutungo’y puno ng paanang bundok
M-alamig na simoy ang haplos at hagod.
A-yaw mong bumalik sa magulong s’yudad
Y-amang nalasap mo ang linis ng lawak
N-itong himpapawid at lamig ng dagat
I-to’y mahihimbing sa iyong pangarap.
L-umuwas kang muli sakaling luminis
A-ng Metro Manilang lason ang paligid.

17 Mayo 2008
Habang umuunos sa laot ng pulo ng Talim
Kinaboogan, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: