Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 14, 2008

Paglilok ng Matang-tubig

Lumilok ng matang-tubig ang aking hintuturo
Nang tunduin ko habang sakay ng isang lunday.
Sinabukay ko ng tingin hanggang sa malayo
At patuloy ang papaliit na paggapang sa rabaw.
Gumugulong, masaya’t patiyad nitong sinasalunga
Ang kalmanteng tubigang maraming kandong
Na yangkaw. Ibinubuyog ng hanging paapupa
Sa laot, sa timog, sa hilaga hanggang umalon
Sa aking kinalalagyan. Muli kong tinundo ang tubig.
Walang matang-tubig na nalilok sa alimpuyo
At daluyong na biglang sumaklaw sa aking maliit
Na daliri. Ganyan ang kalikasan, mapanudyo.
Parang pag-ibig sa pagitan ng tao at kalikasan,
Umaasa’t umaasam ng tag-ulan at tag-araw.

11 Mayo 2008
Sa pagitan ng Batsong at Pingkian
Pulo ng Talim
Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: