Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 12, 2008

Liling Lulumbangin

“Waterliling nanggaling sa Lumban,
Tinatangay ng hanging amiha’t
Ipinadpad sa dalampasigan.”

Sa gawing silangan ng lawang Laguna’y
Kaydami ng liling kahali-halina’t
Sa tabing aplaya ay nagpaparadang
Sinlawak ng isang ektaryang asyenda.

Sa hihip ng hanging nagbuhat sa bundok,
Lalo’t ang amihan ay sumasalinok
At pinapalimping liling tumatampok-
Lulumbanging lili’y sayaw ang pag-anod.

Lulumbanging lili’y harding naglalayag
Sa lawang Lagunang malinaw, malawak,
Kanlungan ng ibon dahong malalapad;
Pagaspasang dalag ang bulbol na ugat.

Minsa’y nilalaro ng kuluting alo’t
Sa pusod ng lawa’y gumigimbol-gimbol,
Ang hanging habagat silbing tagataboy
At sa dalampasigan doon ibuburol.

Tutubing karayom ang lili’y nasaan
At hindi makita iwing kagandahan?
Hindi ko matanaw sa lawang iniwan
Ang dating masaya nilang pagsasayaw.

Pulong Alakdan sa laot ng Rayap
Pulo ng Talim
Lawa ng Laguna
Mayo 13, 2008

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: