Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 8, 2008

Nang Umulan Sa Aking Dapithapon

Ulan kang naligaw buhat himpapawid
Na biglang dumapo sa limang kong isip,
Agad na naligo’t ginawa kang batis;
Nagtampisaw akong lihim at tahimik.
Giniginaw ako sa lamig mong handog,
Pigil ang hininga tuwing naghahamog
Ang buong paligid sa nakaw na sulok—
Gaano mang tagal sa pagkakabantod.
Kamalian ka bang niyakap ang patak
At ipinidestal sa lumikong landas?
Sabihin mo lamang, huwag kang iiyak
Ako’y nakalaang kahit na mautas
Laging maghihintay paglinaw ng tubig
At ipanalanging ikaw ay pag-ibig.

Mayo 9, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: