Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 7, 2008

Pag-ikot ng Mundong Kuwadrado

Magkasabay na umiikot ang mundo
At ang buhay ng mahihirap na tao.
Umiikot ang mga metro ng gripo,
Umiikot ang kuntador ng Meralco.
Walang kaibahan sa buhay mo o tayo.
Ini-iikot ng tao ang kanilang ulo
Sa tuwinang magugutom ito at mahihilo,
At pinagtitiyagaan na lamang ang mga butong
Pinulot sa basurahang kumpulang nagkakagulo
Ang langaw at sari-saring maruruming insektong
Gipalpal ang dala-dalang nakalalasong mikrobyo.
Kamatayan ng tao at ng mundo
Ang destinasiyon kung saan patutungo—
Mapasa-lupa man o mapasa-impiyerno.
Ang pag-ikot ng mundo at tao ay isang delubyong
Tatapos at papatay sa parehong
Adhikaing mabuhay at umikot sa siglong
Yumayakap sa mundo ng buhay na parang kuwadrado.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: