Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 7, 2008

Habang may Baga ang Bao ng Niyog

Ako’y baong niyog matagal magbagang
Kinatasang gata at walang halaga.
Oo nga’t kuyagot sa tingin nang iba’t
Ang turing sa aki’y namamasong pula.
Yagit na nagbunton sa tabi ng bukid,
Ngunit subukin mong katawa’y ilapit;
Ikaw’y di tatagal talulot kong init
Na mithing kaniig ay ang himpapawid.
Gusto kong magtagal ang ningas na taglay,
Alab na nilikha’y inyong paglutua’t
Sikaping may baga ang gusgusing kalang
Biyayang naluto’y inyong pagsaluhan.
At sakaling ako’y mag-abo ang ningas,
O, kaibigan ko, bao ko’y nagwakas.

Sa Bahay Buwaya
Sitio Nagsadya, Lambak, Cardona, Rizal
Isla de Talim
Laguna de Bay


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: