Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 6, 2008

Kapagka Hindi Na Kayo Makatula

Nangimbulo ang puso ko nang mabasa’ng panawagang
Ipinaskil sa pahinang makinasyong pang-internet,
Narahuyo at nag-isip ng tulaing may tugmaan.
Gumuhit sa aking diwang lumilikot sa ‘king isip
Ang berso ng pag-ibig ko ay agarang inilahok
Sa uradang mga tulang ililimbag, iaaklat.
Kunwari lang ay pursiging humahabi ng taludtod;
Umaakda araw-araw ngunit yaong pangungusap—
Garalgal na lumiligwak sa dulo ng aking dila’t
Olimpo ang pinangarap na tumanyag kagyat-kurap,
Ningas kugong nagliliyab ang titik kong tinutula;
At apoy na lumalamig nawawalang bigla’t iglap.
Kaya kayong mambebersong walang puso sa pagtula,
O, kaysaklap na malamang kaydali n’yong nawawala.

07 Mayo 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: