Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 5, 2008

Sentauro (Eskultula)

Ang tindig ko’t bulas laging namumukod,
Noo hanggang kuko’y hahangaang lipos;
Ginawarang sumpa sa hanay ng hayop
Tao mang kabayo’y mahal din ng diyos.
At ngayon, masdan n’yo sa hilerang sining,
Olibang kaparis Adonis ang giting;
Ngiting nakatago’y talinghaga’y angkin
Gigolong kahambing ay tarikang taring.
Kabayong katawan ulo ay sa tao,
Alasan at molang kaybilis manakbo;
Bawat makakita’y ako ang idolo
At kinagulatan imperyo’t palasyo.
Yamang narito na sa andas ng arte,
O, tagahanga ko titigang mabuti.

Raul Funilas
Mayo 6, 2008

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: