Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 1, 2008

May Puso Rin Ang Bundok

Noon pa’y natanaw ko na, hindi kailan man magsasama
Ang dalampasigan at ang alon subalit kapuwa sila
Umiibig sa isa’t isa. Humahanga tuwinang nadarama
Ng dalampasigan ang dantay ng Alon, bawat hiningang

Dumadampi sa kaniyang pagkatayantang ang maliyab
At nanunuyong araw ay naiibsan ang init sa bumabagabag
Na pag-ibig. Malikot magmahal ang alon, laging tumutuklas
Ng mga pag-ibig. Sinasalpok ang dalampasigan ng malakas
Na alon tuwinang naninibugho ang naglalayag na habagat.

Malungkot sa gabi ang dalampasigan, tahimik at pinatulog
Ng buwan ang hinahangaang Along mga kilapsaw at anlog
Ang nag-uugoy sa pagkakahimbing. Ako rin ay malungkot,
Dahil matagal na akong umiibig sa alon, ang baha at agos
Ng aking luha ang tanging ipinadadaloy sa bawal na pag-irog.

1 Mayo 2008
La Jolla Beach House
Bgy. Rabon, San Fabian, Pangasinan


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: