Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 27, 2008

Dalit Ochobados

Uno

Lingay sa Ilog
Tingin ko’y dalawang niyog
Ang nakalutang sa ilog,
Nang ito’y aking dinampot;
Suso mo palang mabilog.

Dos

Red House
Mukhang maligno’y bumungad,
Minsang naligaw sa gubat
Ng tabernang naglulusak
Sa balahibong nagkalat.

Tres

Uten
Akala ko’y baging-hinggiw
Yaong tumatawing-tawing
Sa harap mo aking giliw:
Iyon pala’y ang ‘yong uten.

Cuatro

Agulo
Kahit mahuling tumonteng
Sa ibabaw ni Kurdapya,
Huwag na huwag aamin—
Ikat’wiran ay nadapa.

Cinco

Sikreto
Sikreto’y para sa isa,
Hindi tatlo o dalawa;
Dahil kung alam ng iba
Magiging sikreto pa ba?

Seis

Mang Tanong
Kapag may tinatalunton
At naligaw ka Totoy,
Hanapin mo si mang Tanong;
Makikita’ng nilalayon.

Siete

Kaliwete
Ay, sumagwan ka kumpare’t
Sa dagat ko’y pumarine,
Tuklapin mo ang kabibeng
Nagtatagong nakangisi.

Ocho

Tirador ng Kanin-lamig
Kung ikaw ay mamamahaw
Sa kalanan ng may kalan
Sandukin mo ang ibabaw;
Dahil baka alibutdan.

Raul Funilas
Abril 28, 2008


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: