Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 27, 2008

Dalawang Buwang (Tupada Int’l Performance Arts Festival)

Dalawang Buwang Sa Kanlungan Ng Sining
(Tupada International Performance Art Festival 2008)

Nasa diyaryong TANOD (D’yaryo ng Bayan)
Ngayong Abril 26 ang pumaslang
Kay Vim Nadera na pinatay
Kagabi sa tabi ng balon sa Kanlungan
Ng Sining sa Luneta. Kasalukuyang

Nasa Eskultula ni Tata Art Gallery
At iginagawa ng live mask. Nahuli

At nakakulong na
Ang pumaslang sa kaniya.

Artikel ni Tata.

Sa Luneta,
Mabilis na nakatakas ang pasyente ng mental hospital
Na si Vim Nadera na may huran-hurang isang rolyong hose ng tubig
At sari-saring kuyagot na dinampot sa basurahan.
Naka-bisikletang humahabol sa kaniya ang sira-ulong doktor
Ng mental na si Tata Funilas.

Hanggang makarating ang pasyente sa isang balong may mangilan-ngilang
Barya at nangangalahati ang malibag na tubig. Una ang paang tumalon
Ang pasyente sa balon, samantalang litong hinahanap siya ng sira-ulong doktor.

Nang biglang kumalabusaw ang tubig sa balon! Nakita ng sira-ulong doktor
Ang pasinghap-singhap na pasyente kaya inilawit kaagad ng doktor ang hose
Upang makapitan ng nalulunod na pasyente.

Nang mai-ahon sa tabi ng balon si Vim Nadera ay wala na itong buhay
Kaya agad na inilabas ng sira-ulong doktor ang kaniyang arganas
Upang ihulma ang mukha ng namatay na pasyente.

Maraming nanonood sa ginagawang live mask ng doktor
At higit na marami ang kumikindat na makabagong pangkodak
Na hawak ng mga dayuhang performance artists
Ng Japan, China, Myanmar, France, Nepal, Indonesia, Taiwan, at iba pa.

Habang pinatutuyo ang Replica at Plaster of Paris
Sa mukha ng namatay na pasyente’y iniyukod ang ulong
Nakasalikop ang dalawang kamay ng sira-ulong
Doktor, pahiwatig na ang performance art na pinamagatang: “Buwang”
Sa Tupada International Performance Art Festival 2008
Nina Vim Nadera at Tata Funilas ay tapos na.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: