Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 23, 2008

Oda Sa Mga Alilang Kanin (Parunggit kay NVA)

Oras ngayon ng paglilok ng leprosong santong huwad
Hinahalo’y buwang dilaw nilalamas itong sinag,
Ang bituing nagniningning binanlawa’y alapaap;
Lumilibid sa alunang nangalay ang gilas-lakas
Ehemplo na hinahakab walang habas sa pagngatngat
Sa sabukot na namapak nitong bunggang naagnas
Sa r’weda ng kaparangang di malipad nitong uwak.
Ang palad ba’y kumukupas—napupuknat pagka-Midas?
Kaya habang may sandali isagad na ang paglamas
At sa ulap ay tumitig, ilarawan at ikanbas—
Mga kulay na maringal ihahaplos, iyayakap;
Alisin ang pagkangimay, pagkamitig nitong palad
Yumao man ang lumilok kayamanang matatawag.

24 Abril 2008
Hardin ng Diwata
KAL-UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: