Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 22, 2008

Pirot* ni Lelong

Namasid ko nang itanim ni lelong ang buto
Ng tabako sa aming bakurang libot ng rosas
At granadang mapula ang koronang tila belo.
Walang makitang ngipin sa kaniyang halakhak.

Ako ang natukarang magdilig tuwing umaga,
Inihahabilin pang tirisin ang gumagapang na uod
Sa dahon at pitikin ang sumusungkal na atangya.
Pinipitas niya ang dahon kapag may butong hinog

At pinatutuyong patayantang sa init ng araw.
Ginagayat niyang pino’t ilalagay sa puting papel
Pagugulungin sa pasimano’t ididikit ng laway.
Hinihitit niya’t ibinubuga ang usok sa talisaying

Inililihim niyang ilaban sa darating na tupada,
Isandaa’t isa ang parada niya sa kaniyang manok;
Kinakain niya ang pirot kapag natalo ang pusta
Lalo’t nabatid ni lelang na purnada ang konting impok.

*sigarilyo


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: