Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 24, 2008

Walang Awit Ang Ibong Hindi Malaya

Ikulong mo man ang ibon sa hawla at gintong moog,
Busugin sa milagrosang palay na ipon sa bukot;
Oliba mang gintong lawrel ang aranyang ibinalot
Nais pa ri’y kalayaa’t papawiri’y umimbulog—
Galain ang buong mundong humihingal sa pag-ikot.

Ligalig ang kaisipang hinahanap ang pag-alpas,
Ang paglaya’y tinatanaw sa araw na sumisikat;
Yukayok ang kalungkutan sa silim na lumalatag
Ang mata ay namumugto sa hinagdang luhang natak
Yumupyop ang paghihintay sa pag-idlip ng magdamag.

Walang himig na awiting nanunukal sa paligid,
Ang boses ay laging pagaw walang lakas yaong tinig;
Lugon nitong balahibo sa alabok sumasanib
Aping ibong ikinulong may himagsik ang hinagpis.

Marso 25, 2008
UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: