Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 24, 2008

Tatayak*

Paano kung walang hanging nagtaboy sa iyong paglalayag?
Ang sigwang hangi’t marumbong alon ay hindi kinatakutan—
Gataw man ang dahit ay hindi kayang matinag ang matatag,
Libeladong lunas at ang mga birgang bagting na tinatakasan
Ang mabilis na pag-apupa sa daluyong ng nagngangalit na dagat.
Lumilibid ang hinahong hinamon ka ng Maglalayag sa Amihanan,
Ang mga vayuy, bataraw, aryus at alimbasaw na kumukunat
Yaong pagkamadero pag na-iiga ang dagta’t sa tigas ay lumilisan.
Ang mga hilatsa ng iyong banakal ay nagsisimulang maagnas,
Gumuguhong unti-unti ang iyong alamat sa maiiwanang Ivatan.

*Layagan ng mga Ivatan sa Batanes
Marso 23, 2008
Itbayat, Batanes

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: