Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 14, 2008

Pananalig ( Sa Gitna ng Unos)

Maaga kong ibinunsod ang lunday sa kayangan
Upang pumalaot sa karagatan aking mahal
Nang sabihin mong sasama ka sa paghahanapbuhay.
Tiyak ko ang bawat gaod ng aking sagwang
Ihahatid tayo sa malayo nating patutunguhan—
Kahit may namumuong unos sa kalawakan.

Naikalat na natin ang umang nating palakaya
At naghihintay tayo ng pagdawi at paghila
Ng mga isdang maninikit sa d’yamanteng matang
Gagaltang sa ginugunita nating maalwang alaala.

Malalaki ang along sumasalpok sa proa at dahit,
Ang himpapawid ay may dagim na nag-aalumpihit;
Litong lito kang may hikbi at malalim ang iniisip
Umusal ang iyong pangamba: “Ang panaho’y nagngangalit,
Baka tayo ilubog ng along sa lunday ay pumapanhik?”
O, aking mahal, mangibabaw sa iyo ang pananalig,
Gahiblang buhok na paniniwala ang sa ati’y sasagip.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: