Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 11, 2008

Pag-ibig ng Tubig

Sa bawat hugos ng hangin sa kalawakan ng dagat,
Bumabangon itong alon agos nama’y umaangkas
Sa ragasa nitong along matulin na naglalayag
Na lakas ang ihahampas at ang agos, binabasag.

Ang agos kung magmarkulyo’y nagsasaya itong alon,
Tumitiyad na mayabang romorolyo’t gumugulong;
Agos nama’y pasalikwang kinukontra’t sinusuong
Di mawala ang pingkian lalo’t hangi’y nagdadaskol.

Ang dagat kung nagtitining alo’t agos magkasuyo,
Mga bula’t kalabukab nitong isda’y naglalaro;
Ang agos ang nag-uugoy at sa alon naliligo
Itong isdang matataba na biyaya ang pangako.

Pag ang agos at ang alo’y nagsanib sa matang tubig,
Lumilikha din ng puyong uli-uli ng pag-ibig


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: