Ipinaskil ni: Raul Funilas | Pebrero 3, 2008

Soneto ng Pagkakasala

Gumigiyong, lumilindol ang pag-ibig,
Tulad ngayong may himulmol at may batik
Ang pundasyong di malaong nakasilip
Ng hagunghong tila along mapang-akit.
Nang tumuntong na sa utong nitong bisig
At daluhong,inulaol nitong halik,
May lumumlom na hinahon sa ‘king isip;
Ang maghapo’y nakukulong sa ligalig.
Nanganganlong sa balumbon ng hinagpis,
Nakatuon sa nilayong mapangkabig;
Naglimayon ang dagundong sa ‘king dibdib
Nang tinugon mo ng bulong at hagikhik.
Baka noong umaalon ang ‘yong batis
Ay mayroong hikbi’y susong humihibik.

Pebrero 4, 2008

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: