Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 28, 2008

Wayananam (Diyosa ng Sayaw)

Kapagka napagod na ang ating mga paa sa pagsayaw,
Salisurin mo ng iyong paa ang alapaap
Na may kalong na tubig upang ibuhos
nito sa gagawin nating himlayan.
Ipagpapatuloy natin ang walang humpay
Na pag-indak upang magising
Ang mga anitong nagbabantay
Sa bahaghari at ipuipo.
Punuin mo ng hangin ang iyong katawan
Upang sa paglipas ng unos at sigwada ng hangin,
Tayo’y papailanlang sa himpapawid.
Umindak kang nakataas ang kamay,
Nakatiyad at nakabuka ang bibig
Habang ako’y nagbabantay sa iyong pagindak.
Kailangang walang maka-alam
na ikaw’y galing sa sinapupunan
Ng diyosang walang paraiso.
Isinasayaw ka ng iyong kaluluwa
Sa tuwing humahampas ang maharot na hangin.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: