Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 28, 2008

Mendiola Masaker

Walang dapat na sisihin sa naganap
Na masaker sa Mendiola.

Kung sila na lamang ay umayon at nanahimik
Sa loob ng kanilang tahanan.

Kung sila na lamang ay nagbungkal sa lupang tigang
Na kinukuhaan ng kanilang ikinabubuhay.

Kung sila na lamang ay naupo sa isang sulok at nagpatulo
Ng isang along luha sa kanilang mga mata.

Kung sila na lamang ay nagsawalang kibo sa ginagawa
Ng ating pamahalaan.

Kung sila na lamang ay matamang nakinig sa mga salita
Ng mga pinunong bayang may pangakong lantay.

Wala sigurong kamatayang nangarit sa Mendiola.

Ang lugar ng pag-aalsa,
ang lugar ng pakikibaka
Ang lugar na sumbungan ng naaaping pag-asa
Ang lugar ng nahahapis at talamak na pagdurusa
Ang lugar ng lumbay at daing ng nanlulumong masa

Ng bawat Pilipinong
May sintimyento
At mulat ang pagkatao.

Ng bawat Pilipinong
May galit sa mga sira ulo, sira ulong
Nagpapatakbo,nagtsutsubibo
Ng ating hunghang na gobyerno.

Ng bawat Pilipinong
Niyuyurakan ang dangal
At prinsipyo

Ng bawat Pilipinong
Handang harapin ang kamatayang
Inilaan sa kanilang buhay

Ng pamahalaang hindi malunasan
Ang labanan at patayang:
Pilipino laban sa kapuwa Pilipino.

Binigkas kagabi(Enero 28, 2008) sa Mag:Net Cafe sa Katipunan Ave. QC. Paglulunsad ng mga tula ni Prof. Monico Atienza sa pagtataguyod ng Kilometers64 at iba pang militanteng grupo.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: