Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 27, 2008

Karatula

Karatula
(Sa dingding ng OFW Pre Check-in Center ng Paliparan)

Ngayong gabi lilipad pupunta sa abroad upang maghanapbuhay
Ang tangi kong bunso. Aking inihatid at pinangaralang
Lagi na lang bigo ang buo kong buhay,
Kaya humayo ka’t iyong pagsikapang
Kapitang mahusay
Ang palad ng Diyos
Upang maiuwi
Ang mithing tagumpay.

Nang kami’y dumating sa bukana ng airport.
Agad na bumaba,
Matagal naghintay;
Nang aking mapansin
Isang karatula.

Huwag Sarilinin!

Kung kayo’y nakakita ng naiwang bagahe
O nakasaksi sa di pangkaraniwang pangyayari
Ay huwag ipagwalang bahala.

Ipaalam o tawagan ang mga may kapangyarihan
Ng ating paliparan.

Sa gawi ng tagdang maraming bandilang wawaga-wagayway,
May nakita akong dalawang babaing isa’y nagbibilang
Ng papel na perang purong ubing kulay. Sila’y pinagmasdan
Ng mga bandilang tila kumakaway at nananambitang
Basahin ang paskel doon sa may dingding nitong paliparan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: