Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 27, 2008

Endramada

Endramada*
(Sa Ika-isandaang Taon ng UP 1908-2008)

Sabado, a bente seis nitong buwang bumubungad,
Habang ako\’y naglalakad sa pamantasang malawak;
Sa Silanga\’y may digmaang agaw-dilim at liwanag
Ang laginlin nitong hangi\’y malaya kong nilalanghap.

Sumikat ang dating araw sa gubat ng pamantasang
Nagdiwang ng kumple-anyong bilang ika-isandaang
Taon. Isang trak, may sakay na kayakas na kawayan
Sa bungad ng tarangkahan ni Oblation, ituturay.

Dapithapon nang matapos ang gayak na pinahanga
Sa endramadang dinala ng bihasang Manggagawa,
Ang balanang makakita nagtataka’t may hinalang
May okasyong nagaganap sa lugar na pinagpala.

Mabungang araw ng lunes, petsa dalawampu’t walo,
Ikawalo ng umaga nitong buwan ng Enero;
Ang tao’y dalawang libo at may paliyo pang walo
Nag-usyusong libong tao, may guro at empleyado.

Sa ika-sandaang taon pagdating sa aming piling,
Umasa kang kasaysayan ang ganda mong ina-angkin.

* arkong yari sa kawayang kinayakas ang katawan para maging palamuti.

(Ang Endramada ay makikita pa hanggang ngayon sa akyating bayan ng Rizal partikular sa bayan ng Teresa,Pililla, Morong at Cardona na ginagawang palatandaan sa pultahan upang ipabatid na may nakatakdang ikasal sa loob ng bahay na kinalalagyan nito. Makikita rin ang Endramada sa kapatagang bayan ng Rizal sa panahong may kapistahan.)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: