Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 23, 2008

Segunda Mano

Bultong damit nakalatag nagbuhat sa ibang bansa,
Ang taguri’y ukay-ukay bumibili’y maralita;
Pero k’widaw at mayroong tunay itong sinasadya
Palihim na namimili kahit buhay mariwasa.

Kayrami ding nag-ahurong nagmemenos sa pagbili
Ng sasakyang magagamit ma-jeep man o maging kotse,
Ang puntahan ay Gandara o sa Trade-In na palengke;
Kaya kapag tumitirik nagpuputok pati butse.

Katulad rin ng pagpili sa may ranas na pag-ibig,
Unang gabi’y may halakhak ang suyuang ubod tamis;
Subalit pag humahalak ang agam sa diwa’t dibdib
Isusumbat ang nagdaang ang nakain niya’y panis.

Ukay-ukay ma’t sasakyan maging ito ay pag-ibig,
Panginoo’y isapuso para na ring nakalangit.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: